Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Short story script for lovers, High school final essays of English

Ang buhay ay binubuo ng mga desisyon. Ang ilan ay ating pinagsisisihan. Ang iba’y ating ipinagmamalaki at ang ila’y habambuhay na mamamalagi. Ngunit lahat ng ito’y hahantong lamang sa isang bagay. Lahat ng ito’y huhubog sa kung magiging sino tayo. Ika nga “We are made up of our decisions. We become who we decide to be.”

Typology: High school final essays

2019/2020
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 09/22/2020

lyneil-grace-lumaqui-sadje
lyneil-grace-lumaqui-sadje 🇵🇭

4

(2)

2 documents

Partial preview of the text

Download Short story script for lovers and more High school final essays English in PDF only on Docsity! Ang buhay ay binubuo ng mga desisyon. Ang ilan ay ating pinagsisisihan. Ang iba’y ating ipinagmamalaki at ang ila’y habambuhay na mamamalagi. Ngunit lahat ng ito’y hahantong lamang sa isang bagay. Lahat ng ito’y huhubog sa kung magiging sino tayo. Ika nga “We are made up of our decisions. We become who we decide to be.” [Sa labas ng bahay nina Mark. May hihintong tricycle.] Maria: Mag-iingat ka anak. Luis: ‘Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang Auntie mo. Maria: Pasensiya ka na kung hindi ka na naming mahahatid pa sa terminal ng bus. Mark: Wala ‘ho ‘yon. Paano ho? Aalis na ko. Mag iingat ho kayo lagi ditto ‘nay at ‘tay. [Sasakay na si Mark sa tricycle at maiiwan ang kanyang paningin sa kanilang bahay at mga magulang habang umaandar ang tricycle.] [Pagdating sa bahay ng kaniyang Auntie,papasok ang kanayng auntie sa bahay at susunod si Mark na hila hila ang kanyang maleta] Auntie: Maligayang pagdating, iho. Pasensiya ka na kung medyo hindi kalakihan itong apartment ko. Alam mo naman. Mag-isa lang sa buhay ang Auntie Lisa mo. Mark: Nako! Wala ‘ho ‘yon. Malaking bagay na ‘ho para sa ‘kin ang pag-ako niyo ng responsibilidad sa pagpapaaral sa ‘kin. Auntie: Ikaw talagang bata ka. Wala rin naman kasi akong paglalaanan ng naipon kong pera atsaka ano ka ba, para narin kitang anak. Si kuya Luis din naman kasi nagpaaral sa akin noon. Ibinabalik ko lamang ang pabor---ng buong puso! [Mapapatingin si Mark sa natatanaw na bahagi ng New Era University. Susundan naman ng kanyang auntie ang kanyang tingin. ] Auntie: Ang ganda hindi ba? Diyan ka papasok! [Pupunta sa kusina si Auntie ngunit natatanaw padin nila ni Mark ang isa’t-sa] [Biglang mapapalingon nang gulat si Mark] Mark: Po?! Auntie: Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Mark: Hindi ho ba masyadong mahal diyan? Mukhang hindi ho ata ako bagay diyan? Auntie: Ano ka ba! Ako ang gagastos hindi ba? Atsaka masyadong malapit yan dito. At Anong hindi bagay? Tumayo ka nga! [Tatayo si Mark habang kunwaring iinspeksyunin siya ng kanyang Auntie] Auntie: Nako. Gwapo ka naman. Matangkad, maginoo, talentado attt hmmmm mabango [Pareho silang mapapatawa] Mark: Ano ho bang pangalan ng paaralan na ‘yan? Auntie: ‘Yan ang New Era University, nak. Paaralan ng Iglesia ni Cristo [Bakas sa mukha ang pangamba sa mukha ni Mark] ‘Wag kang mag-alala. Alam ng mga magulang mo na diyan ka mag-aaral. [Napabuntong hininga si Mark] Auntie: Ang mabuti pa’y umakyat ka na at nang makapag-ayos ka ng gamit. Yung ikalawa sa kanan ang kwarto mo. Mark: Salamat ‘ho, auntie! [Pupunta na si Mark sa kanyang kwarto. Pagdating ay ibabagsak niya sa kama ang kaniyang sarili at hindi kalaunay nakaidlip siya. Nagising siya ng alas otso ng gabi. Lumabas siya ng kwarto ngunit hindi niya nadatnan ang kanyang auntie. Dumeretso siya sa kusina upang uminon ng tubig at doon ay nakita niyang may nakadikit na sticky note.] Mark anak, Hindi na kita ginising dahil napakahimbing ng tulog mo. Hindi ko rin nakuha yung number mo kanina. May pagkain sa mesa. May pupuntahan lamang ako kasama ang mga kaibigan ko. Kumain ka ng maigi. Love, Auntie [sa halip na kumain ay dumeretso si Mark sa sala at binuksan ang TV. Nanood siya saglit ng balita ng maalala niyang hindi pa pala siya nakatawag sa kaniyang mga magulang. Pumunta siya sa kaniyang kwarto at tatawagan ang kaniyang Mama.] Mark: Hello, Ma? [Mag-uusap sila ngunit nakamute] [Sunod na araw] Aunite: [Habang marahan na tinatapik si Mark] Mark, anak. Mark, gising. Mark: Good morning po. Aunitie: Bangon na. Pupunta tayo ngayon sa bago mong paaralan para mag-enroll. Mark: Sge po. [Pagdating sa NEU. Manghang mangha si Mark sa kanyang nakikita. Tuwang-tuwa siya sa mga taong nagkukumpulan at nakatuun ang atensyon sa mga inasikaso] Jose: Okay ka lang ba, Mark? Mark: Ba’t mo naman natanong? Jose: Eh kasi namanm parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Mark. Jess: Ano bang nangyari, tol? Mark: Pinagalitan kasi ako ni nanay at tatay kagabie pagkatapos kong sabihin na dumalo ako sa pamamahayag niyo. [Nagkatinginan naman ang magkaibigan. Bakas ang konsensiya at pagkadismaya sa kanilang mga mukha. Mark: ‘Wag na ‘wag ko na raw uulitin ang ginawa ko. James: Nakakalungkot naman. Pero hindi ka din naman naming pinipilit, Mark. Ayos lang naman sa amin kung hindi ka na dadalo ulit. Jose: Maiintindihan ka rin ng mga magulang mo. Jess: Pero sundin mo lang ang nasa ‘yong puso, Mark. [Biglang sumulpot ang grupo nina Mira] Mira: Mark! Nakita ka naming kahapon na dumalo sa pamamahayag. Joyce: Oo nga, ‘di nga kami nagkamali. Kami yung mga mang-aawit sa taas kagabie Mark: Ah eh. Hindi ko kayo kasi napansin Joy: Masyado naman ata kaming maganda para hindi mo mapansin, Mark. Pero ano? Dadalo ka ba uli sa susunod na Biyernes? [Umuwi si Mark sa bahay nila at gabi-gabi silang nagtatawagan ng kanyang nanay upang mangamusta at magkwento tungkol sa estado nila sa probinsiya at sitwasyon ni Mark. Isang umaga ay mag-isang nakaupo si Mark sa Library nang lapitan siya ni Ministro Fer. ] Mark: Magandang hapon, ho. Ministro: Magandang hapon din, Ka-Mark. [Medyo nagulat si Mark sa sinabi ng ministro] Ministro: Haha pasensya ka na. Kapag kasi tumatawag kami sa aming kapwa INC Ka o Kapatid an gaming sinasabi. Siya nga pala, hindi ba’t bago ka rito? Narinig ko na dumadalo ka raw sa aming mga pamamahayag. Mark: Opo, nasisiyahan nga ho ako sa aking pagdalo. Andami ko hong natutunan at kahit papano ho ay naintindihan ko ang mga taga Iglesia ni Cristo. At masasabi hong hindi ito gawa gawa dahil sa Bibliya ho mismo nanggagaling ang inyong mga itinuturo at inihahayag. [Nag-usap pa sila ng matagal at sa tuwing nasa Lbirary si Mark ay palagi siyang nilalapitan at kinakausap ng ministro. Isang araw, bagot na bagot si Mark sa bahay ng kanyang auntie kaya naman kinuha niya ang kanyang telepono at tumawag kay James Mark: ‘Tol ‘di ba may pagsamba kayo ngayon? James: Ah, oo tol. Nandito nga kami ngayon malapit sa inyo Mark: Sinong kasama, mo? Kayong pito ‘ba? James: Oo, tol. Bakit? Mark: Pwede bang sumama? James: [tuwang-tuwa] Ano k aba! Syempre naman! Hintayin ka nalang naming dito/ Mark: Sige, tol. Salamat! [Simula ng araw na ‘yon ay palagi nang dumadalo sa mga pagsamba si Mark hanggang sa napagdesisyunan niyang pagpadoktrina kahit hindi alam ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang gabi, tumunog ang telepono ni Mark. Tumatawag ang kanyang nanay] Mark: Nay? Maria: Anak, ayos ka lang ba? Bakit hindi ka na masyadong tumatawag? Sobra ka bang abala diyan? [Napapikit si Mark habang tinitipon ang lakas ng kanyang loob na umamin sa kaniyang nanay] Mark: Ang totoo ‘ho niyan, nay. Kaya ho hindi na ako nakakatawag ng alasais ng gabi at hindi ko naho kayo masyadong nakakausap ay dahil nagpadoktrina na ‘ho ako sa Iglesia ni Kristo. [Lingid sa kaalaman ni Mark na nakikinig din sa kabilang linya ang kaniyang tatay. Labis na lamang ang galit nito nang marining ang pag-amin ni Mark Luis: Ano?! Bakit mo naman ginawa ang istupidong bagay na ‘yan?! Maria: Ano ba Luis, huminahon ka. Luis: Anong huminahon?! Narining mo ba ang sinabi ng anak mon a ‘yan? Mark: Ano ho bang masama doon, ‘nay, ‘tay? Luis: Bukas na bukas din ay uuwi ka na rito sa’tin! Mark: Ho? Pero paano ho ang pag-aaral ko. Maria: Ano ka ba, Luis! Luis: Dapt kasi hindi tayo pumayag na diyan sa mag-aaral sat na New Era University na ‘yan! Maria: Bakit mapag-aaral mo ba siya ng ikaw lng? Hindi ba’t hindi rin naman?! Luis: Lintik na buhay! [Narinig ni Mark ang pagkabasang ng ilang gamit sa kabilang linya] Maria: Pasensya ka na anak. Magpahinga ka nalang muna. Tatawag ako ulit bukas [Halos hindi makatulog si Mark ng gabing’ yon. Sinusukat niya kung tama baa ng mga desisyong ginawa niya. Nagising si Mark nang sumunod na araw dahil sa tunog ng kanyang telepono] Mark: ‘Nay? Ang aga niyo naman ho atang napatawag? Maria: ‘Nak, tungkol kagabie. Pagpasensiyahan mo na nag tatay mo ha? Malaki lang talaga ang galit niya sa INC. Mark: Bakit naman ‘ho ‘nay? Maria: Ganito kasi ‘yan, ‘nak Flashback [Si Maria ay 18 taong gulang noon. Siya ay isang mang-aawit sa kanilang Lokal. Sa tuwing lalabas ng kapilya si Maria ay tanaw niya ang mga mata ni Luis na tila’y nag-aabang at naghihintay sa kanya ngunit hanggang doon na lamang ‘yon. Ni hindi siya nilapitan nito. Hanggang sa isang araw, nakatayo si Maria sa labas ng Kapilya nang lapitan siya ni Luis] Luis: Magandang gabi, binibini. Ako nga pala si Luis. [Bakas ang konting takot sa mata ni Maria at nabatid naman ito ni Luis.] ‘Wag kang mag-alala, wala akong masamang balak sa iyo. Nais ko lamang malaman kung bakit nandidito ka parin. Kanina pa kita pinagmamasdan at tila wala ang araw araw na sumusundo sa iyo rito. Maaari bang malaman ang iyong pangalan? Maria: Ako si Maria. Salamat sa pagtatanong. Luis: Paano ka makakauwi? Kung hindi mo mamasamain, maari kitang ihatid kung nais mo. Maria: Hindi na. Salamat nalang. [Saktong dumaan ang mga kakilala ni Maria.] Ate Marj, pwede ho bang makisabay? Oh, paano? Aalis na ko. Maraming salamt. [Nakangiting pinagmamasdan ni Luis si Maria habang lumalakad palayo at sumakay sa isang sasakyan. Nagpatuloy sa araw-araw na pagmamasid si Luis kay Maria. Sinubukan niya ulit iton lapitan ng minsan ulit itong walang masakayan ngunit muli siyang tinanggihan ng dalaga kaya’t naging kuntento na lamang siya sa pag-abang ditto tuwing lalabas ng kanilang Kapilya upang sihuraduhin na ligtas itong makakauwi. Hanggang sa isang gabi, nagulat si Luis nang makitang mag-isang naglakad si Maria sa direksyon nito pauwi. Dahil batid niyang tatanggihan siya ng dalaga, palihim lamang niya itong sinundan. Sa kabilang dako, labis labis naman ang kaba ni Maria dahil unang beses siyang uuwi mag-isa sapagkat nakalimutan niyang magpasundo sa kanyang kuya. Mas lalong nakaramdam ng matinding kaba si Maria nang mapadaan siya sa grupo ng mga lalaking kalye] Lalaki 1: Napakaganda mo naman. Lalaki 2: Magpahinga ka muna. Lalaki 3: Oo nga naman. Samahan mo muna kami Maria: Ah eh. Wag na ‘ho. Maraming salama—[Labis ang kaba ni Maria ng hawakan siya ng isa sa mga lalaki sa kanyang pulso] Lalaki 2: Halika na. [Kahit labag sa loob ng kaniyang mga magulang ay patuloy sa pagsamba si Mark hanggang sa mabinyagan siya. Sa pagdaan din ng mga araw ay naging mas malapit ang loob ni Mark at Mira sa isa’t- isa. Pansin naman iyon ng kanilang mga kaibigan na suportado naman at todo pa kung kiligin sa dalawa. Halos sabay silang kumakain, nag-aaral, sabay din sila sa pagpunta at pag-uwi sapagkat hatid sundo ni Mark si Mira. ] LOVE SCENE (CLASSROOM) (Maingay ang klase dahil wala pa ang Guro ) (Nagkakatitigan sila na hindi nila namamalayan na mayroon na pala silang pagtingin sa isat isa ) (Flashback tanan nga memories nanda Since Day 1) ( BACKGROUND MUSIC ) Dumating na din ang araw ng graduation. Nakapila na ang lahat at inaantay na lamang ni Mark ang kanyang Auntie. Napalingon siya ng may humawak sa kaniyang balikat. Laking gulat niya ng Makita ang mga magulang niya. ] Mark: ‘Nay! ‘Tay! [Nagyakapan silang tatlo] Mark: P—pano? Bakit ho kayo nandito? Maria: Siyempre para sabayan ka sa pagmartsa. Luis: Anak, pasensiya ka na ha? Masyado lang nalihis ang landas ni Tatay. Pero ‘wag kag mag-alala nak. Mas mabuti na rin ako at nais naming malaman mo na masaya kami sa desisyon mo at ipinagmamalaki ka namin. Siya nga pala, Iglesia na muli ang iyong Nanay. Mark: Paano naman ‘ho kayo ‘tay? Maria: Magpapahuli ba naman ang tatay mo? Mark: INC na rin ho kayo ‘tay? [Nakangiting tumango ang kanyang tatay. Napayakap si Mark sa kanyang mga magulang dahil sa sobrang saya. Sakto naming nagsimula ang pagmartsa. Pagkatapos ng seremonya at pinakilala ni Mark si Mira sa kanyang mga magulang. Napagdesisyunan nilang kumain sa labas bilang isang pamilya. Isang bagong pamilya na binago ng Iglesi ni Cristo. ] BAHAY NG AUNTIE SCENE (Nagpasalamat dahil inaruga nila si Mark sa 4 na taong pamamalagi sa piling ng kanyang auntie) Habang pauwi ng Probinsya BUS Mark: Nay, talagang pauwi na tayo no? Nanay: Oo naman Anak may naiwan k aba? Mark: Puso ko nay! PUSOOOO (Pabirong sabi ni Mark) (KAHIT NASA PROBINSYA NA SI MARK AY LAGI NIYA PARING INIISIP SI ATE GIRL MALA BINTANA MAN ANG PWESTO O MAPA SALA NILA KAHIT SAAN INIISIP PARIN NI MARK) Fast Forward (After 5 years) (Background Music SIMPLENG TAO BY: GLOC9) (Nagkita sa Loob ng NEU Hospital) : Oy Mark? Ikaw na yan? Anak mo na? Mark: ahhhhh ehh hmmmmmmmm teka lang….. (Biglang tumawag yung pinsan ni Mark dahil sila na daw yung next in Line dahil pina check nila yung baby ng pinsan ni Mark) (Pero patuloy na umaasa ang dalawa. At isang araw nagkita ang dalawa sa Labas ng Kapilya sa dating pinatatalaan ni Mark para mag patala ulit, nagkasama ulit sila at nabuo ulit ang mga kanilang samahang magkakaibigan) Mira: Oy mark patala ka? Mark: Oo kakatapos lang. Uuwi ka na? Kaibigan: oooooyyyyyyyyyyyy! Joy: EhemmmExcuse meeeee padaan sumusikip kase ang daanan (pabirong sabi nito) Hanggang sa sabay na silang umuwi Kung minsan ay lumalabas na sila at minsa’y bumibisita si Mira kina Mark. Hindi maipagkakailang nanliligaw na nga ang binata. Isang araw.. Mira: Hello, Joy? Anong meron? Joy: Punta ka daw kina Mark. Nagkasakit dw kasi sabi ni James. Alam mo naman may kanya-kanya tayong lakad ngayon tsaka wala daw tita niya doon eh. Mira: Ha? Ganun ba? Sige papunta na ko doon. Ako nalang bahala Joy: Salamt Mi. Pakikamusta nalang kami. [Dali-daling pumunta sa apartment nin Mark si Mira. Kumatok siya ngunit walang bumubukas. Sinubukan niyang pihitin ang door knob at laking gulat niya ng bumukas ito. Pumunta siya sa tapat ng pinto ni Mark at tinawag ang pangalan nito ng ilang beses. Nang walang sumagot ay pinihit nito ang door know upang buksan. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa loob ng kwarto ay ang mga kaibigan niya at siyempre si Mark. May mga balloons na gold and itim sa kwarto. Mira: A-ano to? Mark: Surprise? [Lumapit dahan dahan si Mark kay Mira at hinawakan ang mga kamay nito.] Mark: Alam mo ba, Mi na ang bawat araw kasama ka ay ang pinakamasaya? ‘Pag kasama ka, wala akong problemang naaalala. Isang ngiti, isang yakap, solve na ko araw-araw. Salamat sa lahat ng kabutihang naibigay at naitulong mo sa akin. Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Ikaw ang dahilan ng mga ngiti at bawat saya. Pinapangako kung aalagaan kita sapagkat ikaw ang panata ko. Gusto lang naman sana kitang tanungin kung pwede na kitang maging kabiyak ng aking puso? [Napuno ng hiyawan ang kwarto at tanging tango nalamang ang naitugon ni Mira. Napayakap naman si Mark sa kanya at bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha ng bawat isa. Dumaan pa ang mga araw at buwan at patuloy na naging matatag, masaya ang samahan ng bawat isa. -Wakas-
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved