Download Tekstong Deskriptibo and more Lecture notes English in PDF only on Docsity! Paksa: Iba’t ibang uri ng teksto - Tekstong Deskriptibo Layunin: - Nabibigyang kahulugan ang tekstong Deskriptibo. - Naibabahagi ang mga salitang maaaring magbigay larawan sa iyong sarili. - Nakagagawa ng isang halimbawa ng tekstong Deskriptibo. PANIMULA ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Ginagamit ang mga pandama upang malinaw na mailahad ang nais ng manunulat. May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao ideya, paniniwala at iba pa. Kilala rin ang tekstong ito bilang tesktong naglalarawan. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo. Masasabing Subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kaniyang mayamang imahinasyon. Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan. Halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo a. Talaarawan b. Proyektong Panturismo c. Talambuhay d. Rebyu ng pelikula o palabas e. Obserbasyon f. Akdang Pampanitikan PARAAN NG PAGLALARAWAN 1. Batay sa Pandama - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig 2. Batay sa Nararamdaman - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan. 3. Batay sa Obserbasyon - batay sa obserbasyon ng mga nagyayari. URI NG PAGLALARAWAN 1. Karaniwang Deskriptibo Pagbuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga katangiang ating napag-aralan na. Ang layunin nito ay makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa isang bagay. Walang kinalaman ang sariling kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan. 2. Masining na Deskriptibo HALIMBAWA 1: Maganda si Matet. Maamo ang mukha niya lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas.