Download Tekstong Deskriptibo and more Exercises English in PDF only on Docsity! Pangalan: Petsa: Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Guro: G. ALjande Forzado Gawain bilang 1: MALIKHAING PAGLALARAWAN SA ISANG LARAWAN Panuto: Bumuo ng isang tula na naglalarawan sa larawan na ipininta ni Gamaliel Ignacio Subang— isang Cebuanong pintor. Lagyan ng pamagat. Pangalan: Petsa: Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Guro: G. ALjande Forzado Gawain bilang 2.Paghihimay-himay. Panuto: Basahin nang mabuti ang kwentong pinamagatang “Sandaang Damit” ni Fanny A. Gracia. Isulat ang mga bahaging nagpapahiwatig ng paglalaraawan. SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi. Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae. Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit. At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na siya’ykanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso. “Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.” Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala. “Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?” Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.” “Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.” At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’ymay damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas