Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Thesis for high school students, Essays (high school) of Law

Thesis can be used for high schoolers

Typology: Essays (high school)

2022/2023

Uploaded on 06/22/2023

jihoon-park-1
jihoon-park-1 🇵🇭

2 documents

1 / 44

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download Thesis for high school students and more Essays (high school) Law in PDF only on Docsity! 1 Kabanata 1 PANIMULA Ang pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao ang isa sa pinakamagandang regalo ng Diyos sa bawat isang nabubuhay sa mundong ito. Iba't iba man ang dayalekto ng bawat lahi ginagamit ito upang makapaglahad ng mga saloobin, kaisipan tungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay, Ito rin ang paraan upang mailahad ang mga adhikaing nais bigyan ng pansin para maging matagumpay sa anumang larangan. "Ang anumang magaling na mga ideya ay mawawalan ng saysay at walang makakabatid kung ito ay hindi maipararating kaninuman" wika ni Lee Lacocca. Pasalita o pasulat man ang pakikipagkomunikasyon dapat na ito ay binibigyang halaga. Sa larangan ng pakikipagkomunikasyon, ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa Pambansang Wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang daan (100) na katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Cantonese, Koreano, Kastila, at Arabe. Punong-puno at siksik sa dayalekto ang ating mga probinsiya. Tunay na mayaman sa salita at mayaman sa pakikipagtalastasan ang mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng maraming dayalekto sa bansang ito marami rin ang naging implikasyon nito, nagkaroon ng kalituan sa pagbabaybay, sa pagbigkas, sa mga tono at sa kahulugan ng bawat salitang binibigkas ng isang taong namumuhay dito. Lalo pang lumala ang sitwasyong ito ng magkaroon ng mga makabagong terminolohiyong pangkabataan, 2 terminolohiyong pang baysekswal at marami pang iba na nagiging gamitin ng mga mag-aaral. Hindi maikakaila na ang mga terminolohiyong ito sa kanilang pagsasalita sa araw- araw ay nagiging ito rin ang gamitin nila sa pagsulat ng kanilang mga komposisyon. Totoong malaking salik ang pagkakaiba-iba ng mga terminolohiyo, at mga tono sa pagsasalita upang ang isang mag-aaral ay tuluyang manahimik sa klase at huwag ng magpahayag ng damdamin sa mga bagay-bagay na tinatalakay ng guro sa loob ng silid- aralan. Kaya malaki ang nagiging suliranin ng guro kung paano niya mababatid ang kakayahan ng mag-aaral sa araling kanyang itinuturo kung hindi siya magsasalita nang may kalayaan at kasiyahan sa pagsagot sa mga katanungan. Kung ang suliraning ito sa pagsasalita ay patuloy na hindi mabibigyan ng pansin ng mga Edukador ang isa sa magiging bunga nito ay ang kahinaan din sa pagsulat ng mag-aaral, ayon sa batas kaugnay sa balarila, “ ang baybay ay siyang bigkas at ang bigkas ay siyang baybay “. Ang kalinangan sa pagsulat ay maari ring maapektuhan dahil sa mga isinaad na mga implikasyon ng mananaliksik. Gayundin ang katotohanan na ang mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat. Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999). Mahalaga na matutunan ng mga mag-aaral ang tamang pamamaraan sa pagsulat at ang masining na pagsasalita. Maiisip na isa sa mga pangunahing 5 pagpapahalagang literari ng mga mag-aaral sa antas sekondarya. Lilinangin ang limang makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan. Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa ring maling pananaw sa pagsulat ang umiiral tulad ng: pampalipas oras ang pagsulat, isang parusa at kailangan lamang gawain o makapagpasa bilang kailanganin para magkaroon ng marka kung kaya nawawala ang tunay na layunin at kahalagahan ng pagsulat. Ang kahirapan sa pagtuturo ng pagsulat ay mapapagaan sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda sa parte ng guro (Lozano 2002). Hanggang sa pagtuntong sa sekundarya ay dala-dala nila ang pananaw na ito sa pagsulat sapagkat hindi nalinang sa kanila ang tamang kasanayan at motibasyon sa pagsulat. Kaya nga dapat lang isulong nang mabuti ang mga bagong paraan na sumasaklaw sa Wikang Pambansa alinsunod na rin sa itinatadhana ng kagawaran ng surian ng wikang Filipino ayon kay Virgillo Almario (Komisyun ng Wikang Filipino 2013) “Particular itong bumabalangkas sa ortograpiya ng Wikang Filipino na dapat ang mga mag-aaral ay mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan. Ito na ang susi para sa hanay ng mga kaguruan natin sa makabagong panahon upang linangin ang sariling wika na Tinaguriang Wikang Filipino para sa Filipinas at para sa Filipino.” 6 Sanligan ng Pag-aaral Sa ilang taong pagtuturo, naobserba ng mananaliksik ang kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsagot sa talakayan lalo at higit sa pagpapahayag ng kanilang mga opinyon, damdamin ,mga ideya at pagpapaliwanag sa maraming bagay, gayundin ang mag-aaral na mahina sa pagsagot sa pasalita ay mahina rin sa pagsagot sa pagsulat . Ang paraan o istilo nila sa pagsasalita ay gayundin ang ginagamit nila sa kanilang pagsulat. Tulad na lamang ng paggamit ng balbal na mga salita sa talakayan, gayundin ang terminolohiyong kanilang naisusulat at kung ang mag-aaral ay gumagamit sa pagsasalita ng mga baylingguwal gayundin ang paraan niya sa pagsulat na kung saan hindi umaayon sa panuntunan ng pagbuo ng mga salita sa ating bansa. Ito ang nag-udyok sa mananaliksik na ang suliraning ito ay masuri upang mabatid ang mga dahilang pampersonal at pangsosyal ng mga mag-aaral kung bakit ito ang umiiral sa ating panahon na malaki ang nagiging faktor kung bakit ang marami sa mga mag-aaral ay hindi nagiging epektibong komyunikeytor at ang pananaw pa ng ibang mga guro ay tila wala ng respeto ang mga kabataan sa panahon ngayon sa mga nakatatanda sa kanila, Gayundin makita ang kakulangan ng mga pamamaraan ng guro na nagtuturo sa asignaturang ito upang mabigyan ng agarang mga suhestiyon o solusyon sa napipintong paghina ng paggamit ng ating Wikang Pambansa. Sapagkat pasalita o pasulat man ang paraan ng pagpapahayag sa wika na ginagamit ng bansang ito dapat na sabay na natututunan ng mga mag-aaral sa paaralang pampubliko at paaralang pampribado sa isang 7 masining na pamamaraan. Mahalaga ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagsasalita sa harap ng mga tao sa loob o sa labas man ito ng klasrum . Kaalinsabay dapat ang pagkatuto sa pagsasalita ay ang pagsulat upang matugunan natin ang sinasaad ng batas na ito na payabungin at pagyamanin ang ating Wikang Pambansa nang sa gayon ang mga mag- aaral ay maging isang mabuting mamamayan na gumagamit ng masining na pakikipagkomunikasyon. Magaganap ang lahat ng ito kung magiging matalino at maestratehiya ang guro sa Filipino sa pagtuturo ng asignaturang ito. Dapat na mas maging mahigpit ang guro sa pagpapagamit ng mga salita na batay sa tamang pamantayan ng pagsulat at pagsasalita ng ating sariling wika sapagkat sinasaad sa Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976 ) ang pagtatagubilin sa mga guro ng mga bagong tuntunin sa ortograpiyang Pilipino. Ang Memorandum na ito ay pagpapaalala sa bawat guro ng asignaturang Filipino na dapat tayong nagbibigay pokus sa kaayusan o kaanyuan ng paraan ng pagsulat ng mga mag- aaral. Higit na magiging mahusay ang mag-aaral sa komunikasyon kung ang mga ito ay maisasakatuparan sa araw- araw na pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang pagiging mahusay na komyunikeytor ay mapatutunayan lamang kung kaya nitong salitain at isulat ang kanyang nasasaloob o mga opinyon ukol sa maraming bagay kung mayroon siyang pagkokonsidera sa batas ng pagbuo ng wika. 10 2.1 mekaniks; 2.2 anyo: 2.3 pagpapahalaga? 3. Ano- ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagsasalita at pagsulat ng mga mag-aaral sa kasanayan na ito? 4. May makabuluhan bang relasyon ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagsusulat? 5. May makabuluhan bang pagkakaiba ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagsusulat? Haka sa Pag-aaral Sa pag-aaral na ito ay susubuking sagutin ang mga sumusunod na haka 1. Walang makabuluhang relasyon ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagsulat. 2. Walang makabuluhang relasyon ang pagkakaiba ng kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat ng mga mag-aaral . 11 Kabanata 2 EBALWASYON, DISENYO AT BALANGKAS NG PAG-AARAL Ang kabanatang ito ay maglalahad ng mga pagtalakay sa inaasahang resulta ng pananaliksik, Balangkas Teoretikal at Balangkas konseptwal , mga baryabol, katuturan, at kahalagahan ng pag-aaral . Pagtalakay sa Inaasahang Bunga Matapos ang gagawing pagsusuri sa kasanayan sa pagsasalita at pagsulat ng mga mag-aaral, Ang inaasahang bunga ng pag-aaral ay ang mga pinalanong panayam ( Seminar / Workshop ) sa pagsasalita at pagsulat para sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino at mungkahing mga kagamitan para sa mga mag-aaral. Ang paplanuhing mga panayam na ito ay naglalayong payabungin pa ang kaalaman ng mga guro sa pamamagitan ng iba't ibang paraan ng panghihikayat at mga makabagong estratehiya upang mapagsalita at mapagsulat ang mga mag-aaral ng may kasiningan at katapatan sa kanilang mga sagot sa mga talakayan at upang mabigyan tulong din ang mga mag-aaral na nahihirapan sa mga kasanayang ito sa pamamagitan ng pagbibigyay sa mga ito ng iba't ibang gawain para sa kanilang pagkatuto. Inaasahan na ang pagawaing ito ay magiging epektibo para sa masayang pagkatuto ng mga mag-aaral at magaan na paraan para sa mga guro sa kanilang pagtuturo. 12 At upang higit na mabatid ang tamang mga estratehiya at pagawain na ibibigay sa mga guro mahalaga na malaman ang kahinaan at kalakasan ng mga ito sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Balangkas Teyoretikal Ayon sa Teorya ng Konstraktibisim " Baguhin ang mag-aaral mula sa isang tahimik na tagatanggap ng impormasyon tungo sa isang aktibong mag- aaral na nagpoproseso ng pagkatuto. Sa Henerasyon ngayon paunti nang paunti ang mga mag-aaral na kayang ipahayag ang mga impormasyon na kaniyang natututunan sa aralin, maging ang pag-uulit ng mga ito ay ikinahihiyang gawin, nilalayon ng pagsasaliksik na ito na paunti- unti ring matutunan ng mag-aaral ang maging aktibo sa pagpoproseso ng mga natutunan. Ayon pa din kay Bruner, "Dapat na pinag-uusapan ng guro at mag-aaral ang kanilang mga natututunan. Kung kaya dapat na matutong magpahayag o magsalita ang mga mag-aaral upang mas higit niyang maunawaan ang mga tinalakay. Ang isang mabisa at simpleng paraan kung paano natututo ang isang tao ay ang panggagaya, wala itong pinagkaiba sa isang bata na bago pa lamang natututo sa lahat ng bagay, anuman ang kaniyang naririnig at naoobserba nang paulit- ulit ay madali niyang nagagawa at sa dako pa roon ay nauunawaan na niya ang dahilan ng mga ito. Ang mga mag-aaral sa grade 10 ay lubhang ikinahihiya ang pagsasalita kaya't ang teorya ni Chomsky "Ang isip ng isang tao ay likas na handa upang matutunan ang lengguahe sa pamamagitan ng papaunlad na proseso. Naniniwala siya na ito ay natututunan sa pamamagitan 15 Lagak Proseso Bunga *Kalahok na mga Mag-aral sa Grade 10 * Video ng talumpati *Pamantayan/ Rubriks para sa pagsulat at Pagsasalita *Rekorder Unang hakbang Magpapanuod ng video ng nagtatalumpati Ikalawang hakbang *pagpapatalumpati /pagpapaliwanag ng mga kalahok at pagpapasulat ng sanaysay gamit ang rubriks Pidbak Pigura 1 Modelong Pangkaisipan sa Pagsusuri sa Kasanayan Sa Paraang Pasalita at Pasulat ng mga Mag-aaral sa Grade 10 * Naratib report ng Resulta ng Pagsusuri sa kasanayan sa pasalita at pasulat *seminar/workshop Upang makatulong sa Pagpapaunlad ng kasanayan * pagbuo ng Action Plan 16 Mga Baryabol, Depinisyon at Kahalagahan ng Pag-aaral Ang mga sumusunod na baryabols ay binigyang halaga ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral dahil malaki ang maitutulong ng mga ito upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito: Pagsusuri Ayon sa isang artikulo ng wikiHow, Paano sumulat ng isang kritikal na pagsusuri. Ang kritikal na pagsusuri ay pag-aaral sa mga artikulo o iba pang mga gawa upang madetermina kung ang pagkakaayos ng mga argumento o mga punto ay epektibo. Ang pagsusuri ay madalas na isinasagawa sa mga artikulo at mga aklat, maari rin itong gawin sa pelikula, pagpipinta at iba pang gawa habang maaaring pag-aralan ang mga mensahe at dating ng isang akda dapat na mabigyang-pansin ang kabuuang abilidad ng manunulat at ang epekto nito. Dapat na ugaliing magbasa upang matutunan ang iba't ibang hakbang sa pagsulat ng Kritikal na Pagsusuri Ayon sa pag-aaral ni Balbacal ( 2013 ) Ang pagsusuri ay isang hakbang ng pag-aayos ng isang mahirap na paksa upang mas madaling maunawaan ng kahit sinumang mag-aaral . Ang estratehiya na ginamit sa pag-aaral ng matematika at lohika sa panahon ni Aristotle bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umuunlad. Ayon sa pag-aaral ni Cuizon ( 2013 ), Ang pamaraang meta-analisis ay nagbibigay tuon sa pagsusuri ng mga kaanyuan tulad ng paglalahad ng suliranin, metodolohiya, pagbibigay ng kahulugan ng mga datos, ang mga nadiskubre, 17 konklusyon, ang mga implikasyon at rekomendasyon. Ang paggamit ng meta- analisis ay tunay na nagdudulot ng kabutihan sa mga nakikinig , mambabasa at sa mga manonood. Ang mga kabuluhang ito ay patungkol sa buhay na maaring maging lantad ng pahayag sa isang pagsusuri, ito ang tema. Ang paksang diwa o ang tinatawag na tema mula sa pagsusuri ay maaring nagsasaad ng katotohanang panlahat na maaring maging basehan sa bawat aspeto ng pag- aaral ng isang tao. Ang Pagsusuri batay sa pag-aaral na ito ng maiikling Kuwento sa mga tesis at Disertasyon mula sa iba't ibang paaralan gamit ang meta-analisis ay isang epektibo, mabisa at obhektibong paraan at kagamitan na magagamit sa makatarungang paghatol; pamumuna sa kabuluhan at kagandahan , paghahambing sa mga kritikal na isyu at pormulasyon ng panibagong pamantayan at batas. Kasanayan sa Pagsasalita Ayon sa isang artikulo " Ang pagsasalita ay nakatinig na anyo ng komunikasyon ng tao. Madalas na ginagamit ng tao ang pagsasalita sa araw- araw na pamumuhay. Dahil ito ay nagbibigay ng mga posibilidad na mga pangyayari o ang mga nais sabihin sa iba. Nakakatulong din ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa." Sinabi ng manunulat na si Tapalla ( 2013 ) " Kapag tayo ay nagsasalita ng may kapangyarihan at mahusay sa balarila, diksyon at pagbigkas hindi lang natin nakukuha ang atensyon ng ating mga tagapakinig napahahanga rin natin sila. 20 kahinaan sa kasanayan sa pagsasalita kailangan ng katiyagaan at pag –unawa upang kahit paano ay matutunan nila ang kasanayan na ito, Kailangang maunawaan ang kanilang sitwasyon na kapag nangyari ito ay magkakaroon ng pagkakataon upang maabot sila at lalo't higit silang matulungan, kailangan nila ng kaalaman upang mabigyan sila ng pagkakataon na makiisa sa pangkat ng mga tao na kanilang kinabibilangan . Kasanayan sa Pagsulat Ayon kay James Kinneavy (2008), may limang kategoryang dahilan sa pagsulat kung bakit nagsusulat ang tao tulad ng: Ekspresiv, ang personal na sulat para maipahayag ang sarili, Formulari. Estandardisadong pagsulat at mataas ang nilalaman tulad ng mga kasulatan, kasunduan sa negosyo, bisnes at iba pang transaksyong legal, politikal at pang-ekonomiya. Imaginativ. Mapanlikhang ekspresyon bunga ng imahinasyon ng manunulat tulad ng awit , dula at tula., Informativ. Layunin ng manunulat na magbigay ng mahahalagang impormasyon at ebidensiya.at Persweysiv. Layunin na makahikayat at mapaniwala ang mambabasa batay sa mga katibayang ipinahayag. Binigyang diin din nina Gutierrez at Amarles (2009) na ang abilidad sa pagsulat nang maayos ay may kaugnayan sa akademiko at propesyunal na pagtatagumpay. Tunay na ang pagsulat ay dapat na binibigyang pansin ng guro sa Filipino upang ang bawat mag-aaral ay maging konfident sa kanyang sarili at para magamit niya sa kaniyang pagharap sa ilan pang yugto ng buhay. 21 Ayon kay Cunanan ( 2014 ) , Sa pananaliksik matutunghayan ang katatagan o kahinaan ng pundasyon ng anumang akda , maging sa malikhaing pagsulat. Batay sa pag-aaral, sa isinagawang talakayang pinamagatang " Paano ba bumuo ng isang mahusay na pananaliksik sa malikhaing pagsulat, tulad ng ibang pag-aaral kinakailangan magsagawa ng mga saliksik sa mga malikhaing akda upang mas tumibay pa ito at punan ang mga nabuong katanungan sa mga mambabasa. Ang pag-iisip o pag-oobserba ay tunay na mahirap upang makakuha ng problema na pag-aaralan ng isang manunulat sa pagsulat ng ganitong Saliksik ( Sa malikhaing pagsulat) Ito ang pinagmumulan ng kahulugan ng kanyang sinasaliksik upang makapagbigay ng solusyon sa pinag-aaralang akda. May dalawang uri raw ng pananaliksik – ang pananaliksik sa malikhaing pagsulat at ang pananaliksik sa akademikong pagsulat Batay sa pag-aaral na ginawa ni Tolledo ( 2014 ) dapat bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng pagkakataon na sumulat ng " write low- and middle- stakes " na mga takdang aralin para sa kanyang kahandaan sa " high stakes na takdang –aralin. Ang "low stakes ay mga takdang aralin tulad ng pagsulat ng isang tala ng impormasyon, makatutulong ito sa mga mag-aaral upang maging ugali ng mga ito ang pagsulat at gumaling sa pag –iisip . Ang "Middle-Stakes" na pagsulat ay ang pagsulat ng isang pahinang takdang –aralin palawigin ang pagsulat at pag-iisip ay hinihingi sa mga mag-aaral upang mas maging maaayos at masuri ang kanilang mga ginawa. Ito ay mabuti ring paraan para sa gawaing pagsulat. 22 Pagbigkas Ang pagbigkas ng mga salita sa Ingles ay hindi nabibigyan ng pansin sa pagtuturo ng mga guro sa silid-aralan dahil sa kakulangan ng mga estratehiya o mga teknik sa pagtuturo nito, Tinukoy din ni Wei ( 2006) sa kanyang pag-aaral na maging ang mga guro sa Taiwan ay hindi ito binibigyan ng pansin dahil hindi ito talagang mahalaga, napakaliit ng porsyento ang makikita sa mga pagsusulit ang pagbigkas, Nabanggit din na ito ay hindi kagamit- gamit dahil mahirap pag- aralan, Dapat na ang pagbigkas ay itinuturo sa lahat ng pangalawang lengguahe ng bawat bansa sa pamamagitan ng iba't ibang mga gawain. Ang isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga guro sa komunikasyon ay ang kawalan ng mabibisang estratehiya para ituro ang pagbigkas. Ayon din sa artikulo ng Wastong Pagbigkas. Dapat na ang salita ay wastong binibigkas ng isang tao. Ang kinabibilangan nito ay ang mga sumusunod: Paggamit ng tamang mga tunog upang bigkasin ang mga salita, pagdiriin ng tamang pantig at pagbibigay ng wastong pansin sa mga tuldik. Sa pagbigkas, walang pinagkukunang matatag na alituntunin ang sinusunod na mga Pilipino bagama't sa mga wikang may alpabeto, ang tamang pagbigkas ay dapat na tama sa paggamit ng mga tunog para sa isang letra o kombinasyon ng mga letra. Kapag ang alituntunin o patakaran sa pagbigkas ay hindi pabago-bago hindi magiging mahirap ito tulad na lamang ng Grieyo, Kastila, at Zulu. 25 Nabanggit din sa artikulo na dapat na Baguhin ang Lakas ng Tinig. Ang isang paraan upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ang iyong pagsasalita ay ang pagbabago sa lakas ng iyong tinig. Subalit ito’y hindi dapat na maging isa lamang rutin ng pagpapalakas o pagpapahina ng tinig sa paraang nakasasawa. Makasisira iyon sa diwa ng iyong sinasabi. Kapag napakadalas mong inilalakas ang iyong tinig, hindi magiging maganda ang impresyon .Baguhin ang lakas ng tinig kapag nagpapahayag ng apurahang mga utos, matinding kombiksiyon, o mga panunuligsa. Pag-isipang mabuti ang mga bahagi ng iyong pahayag na humihiling ng mas malakas na tinig. Baguhin ang bilis sa pamamagitan ng pagsasalita nang mas mabilis sa mga punto na hindi gaanong mahalaga at mas mabagal sa mabibigat na pangangatuwiran at pangunahing mga punto. Upang maitawid ang katuwaan, magsalita nang mabilis. Iba-ibahin ang pagtataas o pagbababa ng tono, kung angkop, upang maitawid ang mga damdamin at masaling ang mga puso. Sa isang de-tonong wika, palayuin o palapitin ang abot ng iyong tinig. Ayon kay Albert Mehrabian ( 2015 ) ang katagumpayan ng pakikipagkomunikasyon ay binubuo ng tatlong bahagi, ang salitang ginagamit, ang tono ng iyong pagsasalita at ang pagkilos ng katawan Paraan ng Pagpapahayag Ayon sa Artikulo ng Paaralan na ukol sa Ministeryo ( Paraan na Parang Nakikipag-usap p.179 ) Ang angkop na istilo ng pagsasalita sa paraang nakikipag-usap ay nagpapangyaring maging panatag ang iyong tagapakinig at tumutulong upang tanggapin nila ang iyong sinasabi. 26 May mga salik na maaaring magpangyaring ang pagpapahayag ng isang tao ay maging masyadong matigas o pormal ang dating. Ang isa sa mga ito ay ang balangkas ng pangungusap, o ang paraan ng paghahanay ng mga salita. Lumilitaw ang suliranin kapag sinisikap ng tagapagsalita na ulitin ang mga pananalita nang eksaktung-eksakto gaya ng pagkakasulat sa mga ito. Ang nakasulat na salita ay kadalasang naiiba sa binibigkas na salita. Totoo, ang pagsasaliksik kapag naghahanda ng isang pahayag ay kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng nakalathalang materyal. Marahil ang isang nakasulat na balangkas ay naglalaan ng saligan para sa pahayag. Subalit kapag nagpapahayag ka ng mga ideya sa paraang kagayang-kagaya ng pagkakasulat sa mga ito o nagbabasa ng mga ito mula sa isang nakalimbag na balangkas sa panahon ng iyong pagpapahayag, malamang na ang iyong pagsasalita ay hindi magiging parang nakikipag-usap. Upang mapanatili ang istilong nakikipag-usap, ipahayag ang mga ideya sa sarili mong pananalita at iwasan ang komplikadong mga pangungusap. Ang isa pang salik ay ang pagbabagu-bago ng tiyempo. Ang pananalitang medyo matigas at pormal ay malimit na nangyayari dahil sa daloy ng mga salita na pare- pareho ang agwat at ang bilis ay walang pagbabago. Sa normal na pag-uusap, may mga pagbabago ng bilis at malimit ang panandaliang paghinto na iba’t iba ang haba. Kapag nagsasalita ka sa maraming tagapakinig, ang istilo ng pagsasalita na parang nakikipag-usap ay 27 dapat mong lakipan ng ibayong lakas ng tinig, tindi, at sigla upang mapanatili ang kanilang atensiyon. Upang magamit ang paraan na parang nakikipag-usap na angkop sa ministeryo, kailangan mong gawing kaugalian ang mabuting pagsasalita sa araw-araw. Hindi ito nangangahulugan na kailangang maging mataas ang iyong pinag-aralan. Subalit makabubuting linangin mo ang mga kaugalian sa pagsasalita na magpapangyari sa iba na makinig nang may paggalang sa iyong sinasabi. Taglay ito sa isip, isaalang-alang kung kailangan mong pagbutihin ang sumusunod na mga punto sa iyong pang-araw-araw na pakikipag-usap. Iwasan ang laging pag-uulit ng iyo’t iyon ding mga pananalita at mga parirala upang ipahayag ang iba’t ibang ideya na maaaring taglay mo. Matutong gumamit ng mga salita na malinaw na nagpapahayag ng ibig mong sabihin. Iwasan ang di-kinakailangang pagpapabalik-balik sa pamamagitan ng malinaw na pagtataglay sa isip ng nais mong sabihin; saka magsimulang magsalita. Iwasang matabunan ang mabubuting ideya ng masyadong maraming salita. Batay kay Catalig , Ang isang maayos at mabisang pakikipagtalastasan sa kapwa ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng masining na pagpapahayag. Ang Retorika ay tumutukoy sa masining na pagpapahayag. Dalawang element ang dapat tandaan kapag ito ang pinag–uusapan , ang kagandahan at kawastuhan ng pagpapahayag. 30 mga katotohanan sa mga pangyayari sa simpleng kaparaanan ngunit kapakipakinabang. Referensya na pagsulat –Ito ay maituturing na mabusisi dahil humihingi ng aktuwal na katotohanan, pag- analisa at argumento. Informativ na Pagsulat- Binibigyang linaw at paliwanag kung paanong nabuo, gawin at gamitin ang isang bagay, dapat na maging ispisipiko at direkta ang mga terminong ginamit. Mula din sa yrmenna 77. Wordpress.com ( 2012 ) May apat na Dibisyon ng kasaysayan ng pagsusulat, Ekspresiv na Pagsulat – Ito ay nakapokus sa damdamin ng isang manunulat na tama lamang na Malaya niyang maipahayag ang kanyang sarili gamit ang sariling pamamaraan. Hindi nakatuon sa Teorya ang manunulat . Kognitiv – Ito ay nakatuon sa pag-iisip at isang masalimuot na gawain. May makalayuning oryentasyon at naniniwalang ito ay isang paulit- ulit na Gawain .Sosyal na antas- ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa kundi bilang kasapi ng isang samahan at kultural na pangkat na nakakapagbigay impluwensiya sa marami. Pagpapahalaga Mula sa myschoolworks.wordpress.com ( 2010 ) Ang kahalagahan ng pagsulat ay ang mga sumusunod: Nagiging daan ang pagsulat upang ipahayag ang saloobin at damdamin. Nagsisilbing komunikasyon sa kapwa ang pagsulat. Nagagamit ito sa lalong pagkatuto, Ginagamit ito bilang paraan ng pagtataya sa nagingpagsulong ng mag-aaral sa wika., Nakatutulong ito sa paglinang ng lohikong pag-iisip at paglutas ng suliranin 31 Ayon sa artikulo ng SE ( Study Everything, 2016 ) na ayon kay Arrogante ang kahalagahan ng pagsulat ay Kahalagahan na nagbibigay kagalingan – Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para maibuhos ang nasa kalooban ,may mag-iinteres, babasa o wala. Totoong ang ao ay gumagaan ang pakiramdam kung siya ay nakapapahayag ng kanyang nasasaloob ,Ang kahalagahang pakikipag-kapwa – Sumusulat ang mga tao dahil nais niyang solusyunan ang mga suliranin sa kanyang kapwa na hindi maipahayag sa bibig kung kaya’t sinisikap na maisulat na lamang upang umayos ang kanyang relasyon sa kanyang kapwa. Mas madaling isulat ang mga sakit na nararamdaman kaysa ipahayag ito sa taong kinasasamaan ng loob. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat . Ang Kahalagahan Pangkabuhayan – ang tao ay sumusulat dahil kailangan para siya ay mabuhay, sa madaling salta ito ay nagiging kayang hanap-buhay. Pang-araw- araw na buhay niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo kapag may hinahabol na deadline. Kahalagahang Pangkasaysayan- Ang pagsusulat ay mahalaga upang ang ating kasaysayang pambansa ay nagsisilbing dokumento para sa mga susunod na henerasyon. Depinisyon ng mga Katawagan Anyo – Isa sa pinagbabasehan sa pagmamarka ng sulatin na may pagbibigay diin sa pagtatalata at paraan ng paglalagay ng palugit Dayalekto ng bansa - Ang opisyal na mga salitang ginagamit sa pakikipag-usap ng mga taong namumuhay sa isang bansa 32 Kasanayan - Ang kasanayan ay ang karunungang natamo ng isang mag-aaral hinggil sa paksang tinalakay sinabi ni Ruiz ( 1998 ) na makatutulong kung mauunawaan mo ang isang baga, madali at matagal itong maikikintal sa isipan ng isang tao. Mekaniks- Tumutukoy sa sangkap na ginagamit sa pagsulat tulad ng wastong gamit ng malaki at maliit na titik, wastong bantas at pagdadaglat. Pagbabaybay- Ang pagsusulat ng salita o mga salita sa pamamagitan ng lahat ng kinakailangan na letra sa tama nitong pagkakasunud- sunod . Ito ay isa sa mga napaka halagang bahagi ng pagsusulat. Pagbigkas - Pagsasama –samang mga tunog na nakabubuo ng mga salita na sinasalita ng isang tao. Pagpapahalaga - Pagiging malakas at pagiging matatag at pagiging makabuluhan. Ayon sa Sikolohista, ito ay anumang bagay na kaibig-ibig, kaakit- akit at nagbibigay ng inspirasyon at kasiya- siya sa pakiramdam. Paraan ng Pagpapahayag -.Istilo ng nagpapahayag kung paano maipararating ang mensahe sa tao. Pagsasalita - Ang paraan ng pagsasalita ng tao ay tumutukoy sa paano binibigkas ang mga salita kinokonsidera ang tono, diin at haba ng mga salita. Ito ay kakayahan at ng isang tao na masabi ang kanyang mga opinyon, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang naiintindihan ng kanyang kausap. 35 impormasyon ay ang pag-oobserba na nangangahulugan na metodolohiya ng panunuod at pagrerekord ng pinagagawa sa mga respondent. Ang Deskriptibong pananaliksik ay karaniwang nagdudulot ng ilang uri ng paghahambing ng kaibahan at kaugnayan at minsan ay isang maingat na pagpaplano at kaugnayan ng sanhi at bunga ng pananaliksik. Ang pamamaraang paglalarawan ay ginamit upang matuklasan ang kasanayan ng paraan ng pagsasalita at pagsulat ng mga mag-aaral kung ito ay pareho ng resulta o hindi. Isinaalang-alang din ang pamamaraang debelopmental, Ayon nga sa paglalarawan ni Richey ( 2006 ) ang paraang ito ay may kinalaman sa pangangalap ng impormasyon upang masubukan ang mga palagay o haka Lugar ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa Francisco P. Felix sa bayan Cainta, Rizal. Ang paaralang ito ay itinatag noong taong 1973, ang lokal na pamahalaan ng Cainta, sa pamumuno ni Kgg. Francisco P. Felix ay nagpasa ng resolusyon na ang layunin ay magbukas pampublikonsekundaryang paaralan na maglilingkod sa mamamayan ng Cainta sa larangan ng Edukasyon. Ito ay pinangalanang Cainta Municipal High School. Noong 1975, si G. Timoteo J. Pascual , Pansangay na Tagamasid sa Filipinoang naging katulong na Tagapamahala at naglingkod hanggang Agosto 1978. Sa ilalim ng kanyang pamumuno , nagmungkahi siya na magkaroon ang 36 paaralan ng " Foundation Day Anniversary" na gaganapin tuwing ika-4 ng Oktubre, ang kaarawan ng dating Francisco P. Felix na magsisspagtapos , na kung saan ang "Paaralang Mahal" na isinulat ni Clarafe Aguilar ang inawit ng mga nagsipagtapos at ito ay inayos ni G. Lucio San Pedro ang "National Artist" sa Musika. Si Bb. Generosa M. Masikip ang pangalawang punong-guro ng Morong National High School ang naging unang Punong-guro ng Cainta Municipal High School noong 1978. Siya ay naglingkod ng walong taon sa bayan ng Cainta at nagretiro noong 1986.Sinundan siya ni G. Genesius P, Fulgueras noong Oktubre 20, 1986. Sa loob ng labintatlong taong panunungkulan ay tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na kung saan nangailangan ng mga karagdagang guro upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa ilalaim ng kanyang panunungkulan ay naipagpatuloy niya ang pagpapatayo ng "Library Museum at Open Auditorium" . Ang paaralan ay naging ganap na Public National High School sa deklarasyon ng dating Pangulong Corazon Aquino ( Free Education in the Elementary and Secondary level- SEDP Curriculum ). Samantala nagkaroon ng Karangalan Annex ang paaralan para sa ikalawa at ikatlong taon na may sampung pangkat , noong 1992 ay itinayo ang Jica Bldg. na ipinagkaloob ng Japan International Cooperation Agency para matugunanang lumalaking bilang ng mga mag-aaral at ang FPFMNHS ay napiling Division Leader School ng Rizal 37 dahil sa pagkakamit ng Karangalan sa iba't ibang larangan ng Paligsahan. Taong 1993, nagkaroon na rin ang paaralan ng Balanti Floodway Annex. Ang Rosepack Bldg ay binuksan noong 1994 at ito ay itinuturing na "Main Campus" ng buong paaralan at naroon din ang tanggapan ng Punong-guro. Sa pagreretiro ni G. Genesius P. Fulgueras noong taong 2000 ay pinalitan siya ni Dr. Edna V. Perez Ph. D mula sa Sangay ng Laguna at noong 2001 si Dr Roman D. Salazar ng Quezon National High School ang pumalit kay Dr. Perez. Ang malaking pagbabago sa paaralan ay naganap noong Oktubre 22, 2003 nang dumating si Bb. Juana M. Garrovillas na dating guro at tagapayo ng pahayagan ng paaralan "Ang Maglalatik". Siya ang hinirang ng DEP-ED Rizal na Principal IV ng FPFMNHS. Binago niya ang School Uniform, Nagpatayo ng imahe nakipag-ugnayan sa mga iba't ibang sector ng lipunan, maging sa mga magulang at mga guro upang magkaisa sa pagsasakatuparan ng iisang layunin para ang paaralan ay maging bukas para sa lahat kung kaya't ang battle cry ng FPFMNHS ay " TEAMWORK TOWARDS EXCELLENCE". Mula noon, ang paaralan sa pamumuno ni Bb. Juana M Garrovillas ay di tumigil hangga't hindi nakakamit ang pinakamataas na kalidad ng Edukasyon hanggang ang pinagmamalaking pahayagan ng paaralan " Ang Maglalatik" ay nanalo bilang "OVERALLCHAMPION" sa National School Press Conference na 40 Mga Kalahok sa Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na suriin ang kasanayan ng mga mag- aaral sa Grade 10 sa paraang pasalita at pasulat. Ang naratib report ng mananaliksik ay maghuhudyat ng resulta ng gagawing pag-aaral na ang magiging bunga ay pagbuo ng naratib report, at ang paglalatag ng action Plan para sa mga gawain na magpapaunlad sa dalawang kompetensi. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay magmumula sa 1700 mag-aaral sa grade 10 ng Francisco P. Felix Memorial National High School . Nilalayon na 324 na mag-aaral na kukunin sa pamamagitan ng fishbowl technique. Patakaran ng Pagsasaliksik Ang mga hakbang na gagawin ng mananaliksik ay ang mga sumusunod: Ang 324 na mapipiling maging kalahok ay papanuorin ng isang video ng isang nagtatalumpat inaasahan na ang bawat isa sa kanila ay matamang makikinig at manunuod kung paano isinasagawa ang pagtatalumpati. Matapos na makinig at manuod ng video ang mga kalahok susundan ito ng pagpapatalumpati , irerekord , itatala ng mananaliksik ang kanyang mga mapupuna sa inihandang gawain at ang susunod naman ay ang pagpapasulat ng isang sanaysay ngunit bago gawin ang mga hakbang na ito ipaliliwanag ng mananaliksik ang mga rubriks sa pagsasalita at pagsulat bago sila magsimula. Matapos ang mga gawaing ito, susuriin ng mananaliksik ang ginawa ng bawat isang kalahok sa pamamagitan ng kinuhang mga puna 41 Ang anumang magiging resulta ng mga pagsusuri na ito, ang mananaliksik ay maghahanda ng naratib report at pagbubuo ng Action Plan na kinapapalooban ng seminar/ workshop sa pagsasalita at pagsulat para sa mga guro ng Filipino upang matugunan ang anumang magiging kahinaan ng mga mag-aaral sa kasanayang pagsasalita at pagsusulat. Mga Panggagalingan ng Datos Ang pinakamababang aytem ng kasanayan ay aalamin ng mananaliksik upang magamit sa pag-aaral gayundin din isasagawa ang pagpapatalumpati sa mga kalahok gamit ang rubriks sa pagsasalita, irerekord ang gagawing pagpapatalumpati , Itatala ang mga puna sa bawat kalahok upang makuha ang magiging resulta ng pagsusuri sa kasanayang ito matapos ang pagsasalita pasusulatin ang mga kalahok ng sanaysay na may pagkokonsidera sa rubriks sa pagsulat . Sa pagsasagawa ng mga hakbanging ito dapat na maging maingat ang mananaliksik sa pagsusuri sa mga kasanayan na gagawin ng bawat kalahok upang maging balido ang magiging resulta. Estadistikang Ginamit Ang estadistikang gagamitan sa bawat suliranin sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: 1. Upang malaman ang antas ng Kasanayang sa pagsasalita ng mga mag-aaral batay sa pagbigkas, tono, at paraan ng pagpapahayag ito ay gagamitan ng Mean. 42 2. Upang malaman ang kasanayan sa pagsusulat ng mga mag-aaral sa iba't ibang paksa batay sa mekaniks, anyo at pagpapahalaga ay gagamitan ng Mean 3. Upang malaman ang salik na nakakaapekto sa pagsasalita at pagsusulat sa kasanayan sa Filipino gagamitin ang mean
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved