Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Understanding the Importance of Narrative Reports in Technical Writing, Study notes of Law

The significance of narrative reports in technical writing. It explains how narrative reports can strengthen a learner's understanding of various concepts and competencies in different fields. The document also provides examples of narrative reports and their importance in various contexts.

Typology: Study notes

2022/2023

Uploaded on 01/13/2024

jhon-alcoy
jhon-alcoy 🇵🇭

1 document

1 / 13

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download Understanding the Importance of Narrative Reports in Technical Writing and more Study notes Law in PDF only on Docsity! 1 Para sa Filipino sa Piling Larangan 12 (Tech-Voc) SARILING LINANGANG KIT KAGAWARAN NG EDUKASYON REHIYON VII DIBISYON NG MANDAUE Plaridel St., Mandaue City Naratibong Ulat HULING MARKAHAN- LINGGO 12 2 C. Pagyamanin Ay bahagi na kung saan ay malalaman kung nahasa ang kanilang kaalaman sa linangang kompetensi na nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyonal na sulatin. B. Suriin Ay bahagi na kung saan ay ipaliliwanag ang linangang kompetensi na nakapaloob dito. A. Balikan Ay bahagi na kung saan ay sasagutin nila ang mga iba’t ibang gawain na hindi pa nila lubusang nalalaman ang linangang kompetensi. PAUNANG SALITA Ang Sariling Linangang Kit na ito ay inihanda bilang tugon sa makabagong normal para sa mga mag-aaral upang maipamalas ang iba’t ibang piling larangang teknikal-bokasyonal. Ang mga gawain ay makapagpapatibay sa kaalaman ng mga mag-aaral sa mga konsepto ng teknikal-bokasyonal sa iba’t ibang kasanayan at sa mga linangang kompetensi na pwedeng gamitin at makapagpapaunlad ng mga pang-araw-araw na pamumuhay at ng sariling karanasan. Nahahati sa tatlong bahagi ang Sariling Linangang Kit na ito: Inaasahang makabuo at makasuri ang mga mag-aaral sa hinaharap sa kani- kaniyang napiling larangan. Linangang kompetensi: - Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12PB-0g-i-106) - Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika (CS_FTV11/12WG-Om-o95) - Naipaliwanag ng pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng ankop na mga termino (CS_FTV11/12PS- Oj-l-93) ALAMIN 5 Ang Naratibong Ulat Ang naratibong ulat ay kailangan sa iba’t ibang larangan. Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng kuwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at wakas. Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng serye ng mga pangyayari. Kailangang tandaan na sa isang naratibong ulat, may isinasalaysay o ikinukuwento kaya ang sumulat nito ay kailangang may ideya ng banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mahalagang alam ng nagsusulat kung paano sisimulan ang naratibo at kung saan ito magtatapos upang maging matagumpay ang pagsulat. Ayon sa artikulong How To Write A Solid Narrative Report mula sa international.vaquero.com, ang pangunahing katangian na kailangang tandaan sa pagsulat ng mahusay na naratibo ay ang paglilista ng mga detalye sa kronolohikal na ayos habang ipinapasok ang personal na punto de bista sa kabuuan ng papel. Nagkakaroon ng saysay ang mga pangyayari kapag ginagamitan ng pagkukuwento. Pinupukaw ng mga salaysay o naratibo ang atensiyon at emosyon ng mambabasa. (Legitt 2011). Mahalaga ring tiyakin ng nagsusulat na samahan ng paglalarawan ang naratibong ulat upang maging interesante ito para sa mambabasa at hindi sila mabagot o malito sa daloy ng mga pangyayari. Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi rin naman nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat. Karaniwang nagsisimula ang mga manunulat ng naratibong ulat sa unang pangyayari na naglalatag sa kabuuang pangyayari o nagpapakilala kung paano nagsimula ang kuwento. Ang susi sa matagumpay na introduksiyon ng naratibong ulat ay magkaroon ng “pamukaw” o elementong interesante para makuha ang atensiyon ng mambabasa. Kapag naisulat na ang introduksiyon at ang pokus, ituloy ang salaysay tungkol sa mga pangyayari habang nagdadagdag ng malinaw na detalye, deskripsiyon, at halimbawa upang mabigyang-buhay ang naratibo. Magdadagdag ng kabuluhan sa naratibo kung babanggitin ang mga suliranin o mga sitwasyong naganap na nangailangan ng solusyon. Nararapat ding may kasukdulan o climactic moment na magbibigay ng pagkakataon upang makapaglahad ng resolusyon o mga paraan para sa pagpapaunlad. Dapat ihayag ang kongklusyon na magsisilbing pinakabuod ng pangunahing aral o solusyon. Maaari ding taglayin ng kongklusyon ang detalye ng mga SURIIN 6 natutuhan mula sa karanasan o ang buod ng mga solusyon o rekomendasyong nais ibahagi. Kahalagahan at Bentahe ng Pagsulat ng Naratibong Ulat sa Komunikasyong Teknikal Mahalaga ang naratibo sa pagsulat ng mga teknikal na ulat. Dahil sa taglay nitong personal na kaugnayan ng manunulat sa ulat at sa pamilyar na paraang nagsasalaysay o nagkukuwento, nakapupukaw ito ng atensiyon at emosyon ng nagbabasa. Isa pang kahalagahan ng naratibong ulat ay upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nais makakuha ng impormasyon hinggil sa isang espesipikong bagay, serbisyo, produkto o pangyayari. Ang mga bentahe ng naratibong ulat ayon kay Barton (1988) ay: 1. Mas madaling maunawaan ng mambabasa at mas mabilis basahin ang teksto; 2. Mas epektibong napoproseso sa utak ng mambabasa; 3. Mas natatandaan ang daloy ng mga isinalaysay na pangyayari; at 4. Higit na kapani-paniwla at mapanghikayat kaysa sa paglalahad. Nararapat, kung gayon, na ang pagsulat ng naratibong ulat ay matutuhan ng mga mag-aaral ng komunikasyong teknikal upang mapakinabangan ang kasanayang ito sa hinaharap. Paraan ng Pagsulat ng Naratibong Ulat Batay sa prinsipyo, may iba’t ibang dulog sa pagsulat ng naratibong ulat depende sa mga pangunahing layunin ng nagsusulat. Kadalasan, ang mga layunin sa pagsulat ng naratibong ulat ay ang magrekomenda ng aksiyon o pangyayari, magbigay ng tiyak na resulta ng mga aksiyon at pangyayaring iyon, at reaksiyon ng ibang tao sa pangyayari o aksiyon. Mahalagang masanay na ang manunulat sa pananaliksik at sa tamang pagdodokumento ng mga tala upang masunod ang tamang pormat ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod ng oras o timeline ng mga ito. Narito ang ilang paraan o payo sa pagsulat ng naratibong ulat: 1. Sundin ang SAKS-BP (Sino-Ano-Kailan-Saan/Bakit-Paano). 2. Pahalagahan ang elemento ng oras at detalye. 3. Iwasan ang paggamit ng aktuwal na pangalan kung ang iniimbestigahan ay isang kaso o di-tiyak na salarin o pangyayari. 4. Piliin ang pinakaakmang anyo ng naratibo batay sa iyong layunin. 5. Gumamit ng unang panauhan. 7 6. Gawing detalyado ang ulat. 7. Gumamit ng anekdota kung kailangan. 8. Gumamit ng teknik tulad ng maayos na pagkakasunod-sunod at karakterisasyon, at paglalarawan sa mga karanasan, kasukdulan, at resolusyon. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa mga sumusunod: A. Maglista ng limang katangiang dapat taglayin ng naratibong ulat. 1. ________________________________________________ 2. ________________________________________________ 3. ________________________________________________ 4. ________________________________________________ 5. ________________________________________________ B. Ibigay ang kahulugan ng akronym na: _________________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ PAGYAMANIN 10 Ang gamit ng wika sa naratibong ulat ay maaaring 7. _____________ upang gawing mas komportable ang mambabasa upang hindi sila mabigatan sa naratibong ulat. Sa pagsulat ng naratibong ulat, kailangang masagot ang mga tanong na sino, ano, kalian, saan, bakit, at 8. ___________. Mahalaga ang elemento ng 9. ___________ upang matiyak kung kalian naganap ang pangyayari at ang detalye ng kuwento. Upang maipadama sa mambabasa na personal mong nasaksihan ang pangyayari, gumamit na unang 10. ___________ sa pananalita sa ulat. 1 Panuto: Sumulat ng isang naratibong ulat tungkol sa isa sa sumusunod na mga paksa. 1. Isang karanasan ng iyong komunidad sa kasalukuyang pandemya 2. Isang talumpati ng isang kilalang tao 3. Artikulo sa isang blog 4. Artikulo sa magasin ng iyong interes 5. Isang pelikula KARAGDAGANG GAWAIN 11 Sanggunian n Francisco, C.G. at Gonzales, M.G. (Unang Edisyon). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex Bookstore 1977 C.M. Recto Avenue, Manila, Philippines. Department of Education-BLR.(Unang Limbag). Filipino sa Piling Larang – Tech-Voc.2016 Ground Floor Bonifacio Bldg.,DepEd Complex Meralco Ave., Pasig City. 12 DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V Schools Division Superintendent ESTELA B. SUSVILLA PhD. Assistant Schools Division Superintendent JAIME P. RUELAN Ed.D. Chief, Curriculum Implementation Division ISMAELITA DESABILLE PhD Education Program Supervisor – (LRMDS) FELICITAS MAGNO Education Program Supervisor- (FILIPINO) JUVY C. REBUCAS Writer/Illustrator/Layout Artist
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved