Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

This document is all about a kind of essay in which it contains plans as President, as if, Essays (high school) of Law

The topics inside in this document are the plans for the country's future.

Typology: Essays (high school)

2022/2023

Uploaded on 05/17/2023

richelle-ann-pansoy
richelle-ann-pansoy 🇵🇭

1 document

1 / 1

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download This document is all about a kind of essay in which it contains plans as President, as if and more Essays (high school) Law in PDF only on Docsity! Ikadalawampu't-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Ni Richelle Ann D. Pansoy Sa ating Bise Presidente, mga nagdaang pangulo ng Republika ng Pilipinas, lahat ng Senador, sa aking pamilya, mga minamahal kong kababayan at kapwa Pilipino, magandang hapon po sa ating lahat! Sa araw na ito, ako’y hinihirang bilang inyong bagong Pangulo ng ating bansang sinilangan, ang nagbubukod- tanging Pilipinas. Ako ay labis na magbibigay pasasalamat sa lahat ng mga mamamayang Pilipino na gumabay at sumuporta sa aking pagtakbo. Dahil sa inyo ay nagkaroon ako ng pagkakataong paglingkuran ang ating bayan, hindi lamang bilang isang mamamayan, kundi bilang isang pangulo rin ng bansa. Narito ako ngayon sa inyong harapan, upang kayo’y ipaalam. Ang ating bansa ay binabalik-balikan ng iba’t ibang problema. Nangunguna rito ang kahirapan na kinakaharap ng mga tao sa kasalukuyang kalagayan. Upang mabawasan ang suliraning ito ay ating pagtutuonan ng pansin ang mga kabataaang nabubuhay sa kahirapan upang sila’y magkaroon ng libreng edukasyon. Ang lahat ng kanilang kinakailangan sa pag-aaral ay sagot na ng gobyerno. Ang ibang tao ay hindi natatanggap sa pinapasukang trabaho dahil sa katotohanang sila ay kulang sa edukasyon kaya’t marami ang lugmok sa hirap. Ang mga kolehiyong nahinto sa pag-aaral ay bibigyan ng pagkakataong makapasok sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, kabilang na rin dito ang sinumang mamamayan na may kagustuhang makapag-aral. Sa pamamagitan nito ay maaaring tataas ang porsyento ng mga manggagawang Pilipino, nang sa gayon ay matugunan na nila ang kanilang mga pangangailangan at makaiwas sa kahirapan. Bukod pa rito ay palalakasin ko rin ang kapangyarihan ng mga batas na tumutuligsa sa diskriminasyon laban sa lahat ng kasarian. Halimbawa sa mga batas na ito ay ang SOGIE ( Sexual Orientation and Gender Identity or Expression ) na naglalayong “ Bigyang proteksyon ang lahat ng myembro ng LGBT community at wakasan ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon.” At ang Magna Carta for Women (Republic Act No.9710), ayon sa batas na ito, “ Ang lahat ng kababaihang nakakaranas ng diskriminasyon at karahasan ay bibigyan ng pantay na karapatan tulad ng mga nagagawa ng kalalakihan.” Kinakailangan pantay-pantay tayong lahat sapagkat iisang dugong Pilipino ang dumadaloy sa atin. Ang Climate Change at Global Warming ay kasali rin sa ating mga suliranin, dahil sa kagagawan ng mga tao ay nasisira na ang ating Inang Kalikasan. Napapabayaan na natin ang ating kapaligiran at tayo rin naman ang unang naaapektuhan . Tao ang gumagawa nito kaya’t tao rin ang siyang mananagot. Tunay na hindi biro ang naging epekto nito sa atin. Talagang iba’t ibang kalamidad ay ating dinanas at ang lagay ng panahon ay pabago-bago. Kapag umuulan ay madaling umaapaw ang tubig na nagdudulot ng madaling pagkakaroon ng pagbaha. Ang init naman ay sumusobra na’t hindi na presko ang hangin na ating nalalanghap dahil na rin sa paglago ng makabagong teknolohiya. Unti-unti itong mababawasan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng marami pang programa na tumatalakay sa ganitong uri ng suliranin. Kinakailangang bawat parte ng ating bansa ay magkaroon nitong programa. Mga simpleng gawain tulad ng pagtatanim ng maraming puno at pagpapanatili sa kalinisan ng kapaligiran ay nararapat palaging pinagtutuonan ng pansin. Sa ganitong paraan ay mapapalago natin ang kalikasan at tayo rin ang magbebenepisyo nito balang araw. Malaking bahagdan ng sektor ng agrikultura ang naaapektuhan ng Climate Change. Maraming mga magsasaka ang napinsala dahil dito kaya’t ating bibigyan din ng malaking pokus ang agrikultura. Hindi maaaring hayaan natin ang kalagayan ng sektor na ito sapagkat dito nagmumula ang ating mga pangangailangan. Ito ay lalo nating palalaguin nang sa gayon ay maiwasan ang shortage ng mga pangunahing produkto at mapahusay ang daloy ng mga ito. Sa ganitong paraan din ay mapapanatili ang kasaganahan ng ating bansa. Mga opisyales ng pamahalaan, mga mamamayan ng ating bansa, kung tayong lahat ay magkakaisa at magtutulungan sa bawat isa ay hindi imposible na malalagpasan natin ang bawat hamon na ating haharapin, bawat problema’y ating masusulosyunan sapagkat tayo ay mga Pilipino. Totoong ang lahat ng suliranin ng ating bayan ay malalampasan din kaya’t lahat sana tayo ay magkaroon ng kooperasyon at dedikasyon sa paglilingkod sa ating Inang Bayan.✨ https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/08/14/1943370/sogie-ipinaliwanag/amp/ SOGIE’ ipinaliwanag By James Relativo(Philstar.com) – August 14, 2019 – 6:54pm https://psa.gov.ph/content/q-magna-carta-women-republic-act-no-9710 Q & A: Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710) Release Date: Monday, March 15, 2010
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved