Download Behind-the-Scenes: Inspiring Love Journey of Two Writers Crafting 'Just Us' and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity! AQUINO, JASMINE KAYE P. BSBA-OM-III I. Pamagat: Write About Love II. Mga Tauhan: Female Writer – bida sa pelikula Male Writer – isang bitiranong manunulat at bida sa pelikula Joyce - ang babaeng bida sa storyang “Just Us” at vocalist sa isang banda Marco - ang lalaking bida sa storyang “Just Us”. Isang inhinyero at kasintahan ni Joyce. Bernadette – ang ina ni female writer Robert – ang ama ni female writer Chad – ang kaibigan at kasama ni Joyce sa banda na naging kasintahan nung siya ay nasa Korea Jean – ang kasintahan ni Marco na may sakit na leukemia Jena – ang assistant ni Marco Jonathan – ang kaibigan at business partner ni Marco III. Buod ng Pelikula Nagsimula ang lahat ng isang dalagang manunulat ay natanggap ang kaniyang ginawang pelikula na pinamagatang “Just Us” na pumapatungkol sa pagmamahalan nina Joyce at Marco na kung saan sila ay susubukin ng tadhana. Dahil sa karanasan nito sa estado ng kanilang buhay ito ang naging inspirasyon niya kaya nabuo ang pelikulang ito. Gayunpaman, dahil sa ito ay baguhan sa larangan ng pelikula, ang mga producers ng Alpha Studios ay nakitaan ang kaniyang ginawang pelikula ng pagkakatulad sa iba pang pelikula kayat napagpasiyahan nila na mas paunlarin o rebisahin pa ito. Para mapaganda pa lalo ang nasabing pelikula, napagkasunduan ng mga producers na makipagtulungan siya sa isang ekspertong manunulat upang mabuo at mapaganda pa ang mga elemento sa pelikulang iyon. Binigyan sila ng isang buwan para tapusin ang nasabing pelikula. Sa magkasama nilang pagtratrabaho at sa kanilang pagtutulungan na mapaganda pa ang pelikula ay siya ring unti-unting nakikilala nila ang bawat isa maging ang kanilang mga personalidad sa kanilang buhay lalo na sa aspeto ng pag-ibig na siya ring naging dahilan ng kanilang pagkatuto at pagkakadiskubre ng kanilang sarili. Dahil dito nagkaroon sila ng magandang samahan hindi bilang magkarelasyon kundi bilang magkaibigan. IV. Banghay ng mga Pangyayari Tagpuan o Studio o Park o Sagada o Coffee Shop Protagonista o Babaeng manunulat o Bitiranyong lalaking manunulat Antagonista o Tatay Robert Suliranin o Hindi naging madali sa dalawang writer na baguhin ang nasabing pelikula. Dahil may mga pagkakataon na sila ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan at pagkakaintindihan kung ano nga ba ang susunod na hakbang at kung san nila dadalhin ang sinusulat nilang kuwento. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin o Sa pagsasama nilang nagtratrabaho, habang tumatagal ay siya ring unti unting pagkakakilanlan nila sa isa’t isa maging ang kanilang personalidad at naging mga karanasan nila sa buhay na siyang naging motibasyon upang maayos na mailahad ang susunod na eksena sa kanilang ginagawang pelikula. o Nang malaman ni male writer na hindi pa nakakapunta si female writer sa Sagada, naisipan nitong pumunta sila roon at dun na lang nila gawin o pag-isipan yung susunod na eksena. Subalit, makalipas ang isang araw, nang malapit na nilang matapos ang skrip ay siyang pagdating naman ng isang napakalungkot na trahedya sa buhay ni male writer na naging dahilan kung bakit napagdesisyunan niyang bumalik at iwan si female writer ng walang kalam-alam kung bakit siya iniwan nito na mag-isa at sinabing siya na lang tatapos sa ginagawa nilang pelikula. At dahil dito nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Mga Ibinunga o Nagkaroon sila ng magandang samahan hindi bilang magkasintahan kundi bilang magpartner na manunulat. o Nagkaroon din sila nag panibagong aral at karanasan sa kanilang buhay . o Dahil sa kanilang pagtutulungan napabuti at napaganda nila ang mga elemento ng pelikula. o Hindi man naging matagumpay ang pelikulang iyon pero natapos at nabigyan naman ito ng isang magandang wakas. o Nagkaroon din ng pagpapatawad ang bawat isa. V. Paksa o Tema - Pagsusulat o Manunulat VI. Mga Aspektong Teknikal Sinematograpiya o Ang pagkakasunod sunod ng kwento ay maayos na pinagtagpi-tagpi at nailahad ng direktor. Sa bawat pagkuha ng tamang angulo ng camera sa mga karakter at pag edit na ginawa nina Neil Daza at Vanessa De Leon ay sadyang napakanda at napakahusay